Arestado ang isang lalaki dahil sa umano’y panghahalay sa kanyang 13-anyos na kasintahan sa Sta. Cruz, Maynila, iniulat kahapon.

Kasalukuyang nakakulong sa Manila Police District (MPD) si Jomar Torres, 22, ng Tambunting Street, Sta. Cruz, Maynila, matapos ireklamo ng sarili niyang nobya.

Sa salaysay ng biktima kay SPO1 Thelma Samudio, ng MPD-Women and Children’s Protection Unit (WCPU), nangyari ang panggahasa noong Setyembre 19 at Setyembre 21 ng nakaraang taon sa isang hotel sa Rizal Avenue, Sta. Cruz.

Niyaya umano siya ng suspek na kumain sa labas at nagkita sila sa isang fastfood chain at doon siya pinagpalit ng uniporme.

National

Usec Castro, binoldyak ni Maharlika sa 'pa-travel-travel lang' si VP Sara

Nagulat na lamang umano ang biktima nang dalhin siya ng suspek sa isang hotel kaya tinangka umano niyang lumabas ngunit napaniwala umano siya ni Torres na kakain lamang sila doon.

Maya-maya pa’y nahilo umano ang biktima at nakatulog at nang maalimpungatan ay wala na siyang saplot.

Dito na umano siya pinagbantaan ni Torres na papatayin ang kanyang mga mahal sa buhay kapag siya’y nagsumbong hanggang sa naulit pa ito makalipas ang isang araw. (Mary Ann Santiago)