HINDI inaasahang nadiskubre ng Google na maaaring gamitin sa paghahanap ng tumor ang isa sa kanilang self-driving car technology.
Sa pahayag ng tech titan, inilahad nila na ang kanilang detection software ay mas tama at mas masusi kumpara sa ordinaryong doktor.
“Metastasis detection is currently performed by pathologists reviewing large expanses of biological tissues… This process requires highly skilled pathologists and is fairly time-consuming and error-prone,” pahayag ng grupo ng Google scientists. “Computer assisted detection of lymph node metastasis could increase the sensitivity, speed, and consistency of metastasis detection.”
Ang teknolohiya ay isang learning software na maaaring sumuri kung mayroong tumor ang isang tao. “We present a framework to automatically detect and localise tumours as small as 100 ×100 pixels in gigapixel microscopy images sized 100,000×100,000 pixels,” saad ng grupo.
“At 8 false positives per image, we detect 92.4% of the tumours, relative to 82.7% by the previous best automated approach. For comparison, a human pathologist attempting exhaustive search achieved 73.2% sensitivity.” Ang pagkakadiskubre sa bagong protein ay maaaring makapagbawas sa pangangailangan para sa mga gamot sa cancer at chemo treatments.
Ang software ay “deep learning” program, isang rudimentary artificial intelligence application na may kakayahang gumawa ng konklusiyon mula sa malalaking datos. Ang pinakakilalang deep-learning machine ay ang Watson computer ng IBM, na may kakayanang talunin ang pinakamagagaling na maglalaro sa Jeopardy. Ipinakita ng grupo ng Google ang kanilang mga larawan sa programa, na itinatampok ang mga tumor.
“Our method leverages a convolutional neural network (CNN) architecture and obtains state-of-the-art results on the Camelyon16 dataset in the challenging lesion-level tumor detection task,” saad sa kanilang ulat.
Unang ginawa ang image-recognition software para sa self-driving cars, na may roof mounted sensor upang makita ang mga sagabal sa daan tulad ng mga butas sa daanan, natumbang mga puno, o tawiran. Sinubukan ng Google team ang teknolohiya sa paghahanap ng tumor, at natuwa sila sa resulta.
Pero nakamamangha man ang teknolohiya, hindi pa rin nito mapapalitan ang human pathologist. Nakatutukoy lamang ito ng tumor pero hindi nakabubuo ng konklusiyon mula sa nakita nito. Ibig sabihin, kakailanganin pa rin ang human pathologist upang unawain ang resulta. Kaya positibo ang grupo ng Google na makatutulong ang kanilang natuklasan sa cancer screening at treatment balang araw.
“Our method could improve accuracy and consistency of evaluating breast cancer cases, and potentially improve patient outcomes.” (PNA)