Walang sabi-sabing pinagbabaril ng dalawang armado, umano’y miyembro ng ‘Bonnet’ gang, ang isang lalaki sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Tama ng bala ng cal .45 sa ulo at katawan ang ikinamatay ni Valian Mendoza, alyas “Pogi”, 28, ng No. 788 Tandang Sora Ave., Barangay Old Balara, Quezon City.

Base sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), dakong 5:00 ng umaga nangyari ang pamamaril sa kahabaan ng Tandang Sora Avenue, Quezon City.

Nag-iigib umano ng tubig si Mendoza nang sumulpot ang mga suspek na kapwa nakasuot ng bonnet at dalawang beses binaril ang una.

National

Chel Diokno sa pagtakbo ng Akbayan sa Kongreso: ‘Our record speaks for itself!’

Inaalam na kung may kinalaman sa ilegal na droga ang insidente. (Jun Fabon)