Umaalingasaw at naaagnas na nang madiskubre ang fetus na inabandona sa locker sa isang gusali sa Taguig City nitong Martes.

Sa ulat na natanggap ng Southern Police District-Public Information Office (SPD-PIO), dakong 2:07 ng hapon nadiskubre ni Henry Amado, security officer, ang bangkay sa ikaapat na palapag ng Hewlett Packard Building, McKinley Hill, Barangay Pinagsama, Taguig City.

Sa pahayag ni Amado sa awtoridad, nakatanggap siya ng reklamo mula sa mga tao sa nasabing establisyemento dahil sa mabahong amoy.

Dahil dito, nag-ikut-ikot umano si Amado sa ikaapat na palapag hanggang sa siya’y napadpad sa locker ng dati nilang empleyado na nag-resign umano noong Enero 15.

Romualdez, kinondena tensyon sa Middle East; seguridad ng mga Pinoy, pinatututukan

Pagbukas na pagbukas umano ni Amado ay tumambad ang bangkay ng sanggol at agad ini-report sa awtoridad.

Patuloy ang imbestigasyon sa nasabing kaso. (Bella Gamotea)