Pasok ang Boracay Island sa CTrip Top 10 Islands Destination Awards 2016 kasama ang Phuket, Malaysia, Maldives, Tahiti, Mauritius, Guam, Bali, Saipan at Okinawa.

Sinabi ng Department of Foreign Affairs noong Martes na ginanap ang awarding ceremony sa bagong bukas na 7-star Wanda Reign Hotel sa Bund, Shanghai, China.

Ngayon ay nasa ikalawang taon, layunin ng CTrip Travel Awards Ceremony na kilalanin ang mga nangungunang destinasyon at travel service provider. Ang CTrip ay isang Chinese travel service provider na nakabase sa Shanghai.

Ang mala-paraisong isla ng Boracay ay muling nakatanggap ng papuri, sa pagkakataong ito bilang bahagi ng CTrip Top 10 Islands Destination Awards ng 2016.

National

First Family nagbakasyon sa Suba Beach, Ilocos Norte sa Huwebes Santo

Si Vice Consul André Peter C. Estanislao ng Philippine Consulate General sa Shanghai ang tumanggap ng parangal para sa bansa. (PNA)