Hindi ligtas sa imbestigasyon ng Philippine National Police-Internal Affair Service (PNP-IAS) ang mismong hepe ng pulisya na si PNP Chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa sakaling may nakitang probable cause kaugnay ng pagkakadawit umano nito sa Davao Death Squad (DDS).

Ito ang sinabi ni Internal Affairs Service Deputy Inspector General, Director Leo Angelo Leuterio, at ibinunyag na nagsasagawa na sila ngayon ng verification hinggil sa mga isiniwalat ni retired SPO3 Arthur Lascañas.

Ayon kay Leuterio, nasa proseso pa sila ngayon ng pagkuha ng mga ebidensiya kaugnay ng mga ibinunyag ni Lascañas.

Sa pagdinig ng Senado nitong Lunes, inihayag ni Lascañas na maging si Dela Rosa ay inatasan din ni Pangulong Duterte na pumatay, noong alkalde pa ang huli ng Davao City, at hepe naman ng Davao City Police Office si Dela Rosa.

PBBM, nakikinig; hindi vindictive — PCO Usec. Castro

Una nang tumanggi si Dela Rosa na magkomento sa naging pahayag ni Lascañas, at inilarawan ang huli na isang ordinaryong pulis na hindi niya personal na kakilala. (Fer Taboy)