INARESTO ang One Direction heartthrob na si Louis Tomlinson nang makipag-away sa paparazzi sa airport. Dalawang tao ang nasugatan dahil sa pangyayari, ayon sa mga pulis noong Sabado.

Nasa baggage claim ang 25-anyos na Briton sa Los Angeles International Airport kasama ang girlfriend noong Biyernes ng gabi nang makipag-away sa isang photographer, saad ng mga pulis.

“Witnesses stated that Tomlinson pulled the photographer to the floor by his legs causing the victim to fall backwards and strike his back and head on the floor,” saad ng airport police spokeswoman na si Officer Alicia Hernandez.

Bumagsak din umano sa sahig ang isang babae nang kunin ni Tomlinson ang telepono nito habang pinipilit i-record ang pangyayari, ani Hernandez.

Tsika at Intriga

McCoy De Leon, may babaeng palihim na kinikita?

Dinala sa ospital ang photographer ngunit hindi pa rin malinaw kung gaano kalubha ang tinamo nitong injury.

Idinitine si Tomlinson at inilabas noong Sabado ng umaga nang magpiyansa ng $20,000 bond, ayon sa record ng mga pulis. (MB Entertainment)