DALLAS (AP) — Dalawampung puntos na lamang ang layo ni Dallas superstar Dirk Nowitzki sa kasaysayan.
Sa kanyang ika-19 season sa NBA, kakailanganin na lamang ng German seven-footer na makapuntos ng 20 para makasama sa ‘elite list’ na kinabibilangan ng apat na Hall-of-Famer at isang future sa katauhan ni Kobe Bryant.
Bilang isang German, si Nowitzki rin ang unang international player na mapapabilang sa listahan ng NBA player na nakaiskor ng career 30,000 puntos.
Kabilang sa listahan si Julius Erving na nakakuha ng milestone kabilang ang kanyang nilaro sa nabuwag na ABA.
Makakasama niya rin sa listahan sina Kareem Abdul-Jabbar, Karl Malone, Michael Jordan at Wilt Chamberlain.
Nabigyan ng one-time MVP ang Dallas Maverick ng kampeonato noong 2010. At inaasahang makukumpleto niya ang kasaysayan matapos ipahayag ang plano na maglaro pa para sa ika-20 season.