“P*t*ng *n* niyong mga pulis kayo, papatayin ko kayo! Hindi na kayo sisikatan ng araw!”

Ito ang namutawi sa mga labi ng isang obrero habang siya’y inaaresto ng apat na pulis sa Valenzuela City, nitong Linggo ng gabi.

Mga kasong direct assault, unjust vexation at alarm and scandal ang isinampa laban kay Mark Antohny Amano, 32, ng No.443 Upper Tibagan, Gen. T. de Leon ng nasabing lungsod.

Base sa report, bandang 10:30 ng gabi, lasing at nagwawala si Amano sa harap ng isang burger house.

National

DOJ Sec. Remulla, hinamon si Roque: 'Magpaka-Pilipino siya!'

Tumawag ng pulis ang isang residente at mabilis na rumesponde si PO1 Mamangon ng PCP-2 at pinakalma si Amano.

Ngunit sa halip na makinig, sinigawan pa umano ito ng suspek at sinabing, “P*t*ng *n* mo pulis ka, bakit ka nakikialam!”

Dahil dito, humingi na ng tulong si Mamangon sa kanyang mga kasamahan at dumating sina SPO1 Gilbert Soriano, PO1 Mark Joseph Tui, at PO1 Alfie Quijano.

Sa puntong ito, lalo umanong nagwala at nagmura si Amano at pinagbantaang papatayin ang mga pulis.

Maingat na inaresto ng apat na pulis ang suspek at tuluyang ikinulong. (Orly L. Barcala)