BUKAS naman pala ang isip ng daddy ni Barbie Forteza pagdating sa trabaho ng anak. Tawa nang tawa si Barbie nang may magkomento na mabuti at pinayagan siya ng daddy niya na magsuot ng two-piece bikini sa isang eksena sa Meant To Be na kinunan sa isang beach sa Batangas.

“Iyon pong isinuot ko sa eksena na kasama ko ang four leading men ko, hindi po iyon sa production,” say ni Barbie.

“Bikini top at shorts lang dapat ang isusuot ko pero nang makita ni Daddy, sabi niya sa akin, ‘iyan ba ang isusuot mo, tatlong linggo kang hindi kumain, pinaghirapan mo ang pagpapapayat ‘tapos magso-shorts ka lang’? Kaya parang si Daddy pa ang namili kung anong two-piece bikini ang isusuot ko.

“Natuwa naman ako dahil that day ng taping si Daddy ang kasama ko at the whole time na nagti-taping kami, nandoon lang siya. Kaya feeling comfortable naman ako kahit first time lang akong nagsuot ng bikini. Nagsusuot ako noon, pero personal na lakad lang namin ng family ko sa beach. Dito, apat na guys ang kasama ko sa eksena.”

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

Tinanong namin ang dalawa niyang leading men na sina Ken Chan at Jak Roberto na matagal-tagal na rin niyang kasama sa GMA Network kung papayag silang mag-pose na sa men’s magazine si Barbie ngayong marami ang humihikayat na maging cover girl siya.

“Nang makita kong nagsuot ng bikini si Barbie, napa-wow ako,” sabi ni Ken. “Hindi ko alam na ganoon siya talaga kaputi at ka-sexy. Kahit kaya na pala niyang gawin iyon, ayaw ko pa siyang mag-pose sa men’s magazine. Alam ko hindi rin siya papayag.”

“Para ko nang little sister si Barbie,” sagot naman ni Jak. “Pero huwag muna, bata pa naman siya. May right time para mag-pose siya sa isang men’s magazine.”

Nababasa ni Barbie ang mga nasusulat sa print at sa social media, na puwede na siyang mag-pose sa men’s mags, at kung kaya niyang gawin, puwede naman pero ayaw daw niya.

“Wala po sa isip ko na gawin iyon. Concentrate na lang ako sa work ko every Sunday sa Sunday Pinasaya at dito sa Meant To Be na labis-labis ang pasasalamat namin sa lahat ng mga sumusubaybay sa amin gabi-gabi, pagkatapos ng Destined To Be Yours at sa pagdalo nila sa mga mall shows na pinupuntahan namin once a week. Salamat po.”

(NORA CALDERON)