SINAGOT ni Emma Watson ang kanyang mga kritiko na nagsasabing salungat sa kanyang pagiging feminist ang photoshoot niya kamakailan para sa Vanity Fair.

Sa isa sa mga kuha sa shoot, kinunan ng photographer na si Tim Walker si Watson na nakasuot ng isang crochet white top na nagpapakita ng bahagi ng kanyang cleavage.

Sinabi ng 26-anyos na si Watson sa The Associated Press nitong nakaraang Sabado na nagpapakita ang kontrobersiya ng “fundamental and complete misunderstanding of what feminism is.” Aniya, “Feminism is about equality and it’s about choice.” Dagdag niya: “Feminism is not a stick with which to beat other women.”

Gumaganap na Belle ang British actress star sa live-action version ng Beauty and the Beast ng Disney, na ipalalabas sa mga sinehan sa susunod na linggo. (AP)

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador