Hiniling ng mga lider ng tribung Manobo at Mamanwa sa Senado na imbestigahan ang pansamantalang pagpapatigil ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa operasyon ng Claver Mineral Development Corporation (CMDC) sa Bgy. Cagdiano, Claver, Surigao del Norte.

Ayon kina Datu Engwan Ala ng tribung Manobo at Datu Benjamin Tindogan ng tribung Mamanwa, tiyak na gutom ang aabutin ng may 18,000 pamilya na umaasa sa pagmimina kapag tuluyang ipinasara ang mga minahan.

“Kami ang mga tagaroon at alam namin na mali ang mga impormasyon, kung mayroon silang paglabag kami mismo ang magre-report dahil miyembro din kami ng Monitoring Team,” pahayag ng dalawang lider ng mga katutubo.

Bukod sa CMDC, matatagpuan din sa kanilang lugar ang Marcventures Mining Development Corporation, Carrascal Nickel Corp, (CNC) at Surigao Mining Corp. (Leonel Abasola)

Pelikula

Christophe, nasaksihan kissing scene ni Nadine sa 'Uninvited'