ACAPULCO, Mexico (AP) — Binaril hanggang sa namatay ang isang mamamahayag sa Guerrero, ayon sa Mexican authorities nitong Biyernes, idinagdag sa mahabang listahan ng mga napatay na reporter na ikinokonsiderang isa sa mga pinakamapanganib na bansa para sa media professionals.

Ayon sa pahayag ng tanggapan ng Guerrero state prosecutor, binaril si Cecilio Pineda Birto nitong Huwebes ng gabi sa Ciudad Altamirano habang nasa duyan sa isang car wash at hinihintay na matapos linisin ang kanyang sasakyan. Ayon pa sa mga prosecutor, sakay ang dalawang suspek sa isang motorsiklo at isa sa mga ito ang nagpaputok ng baril, ayon sa saksi.

Patuloy ang pagsasagawa ng imbestigasyon ngunit hindi pa nakukumpirma kung may kinalaman sa trabaho ng biktima ang kanyang pagkamatay.
Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na