Timbuwang ang apat na katao sa magkakahiwalay na insidente sa Quezon City sa loob ng magdamag, iniulat kahapon.

Sa report ni Police Supt. Alex Alberto, hepe ng Fairview Police Station 5, dakong 9:00 ng gabi kamakalawa pinagbabaril at pinatay si Paul Michael Requera, negosyante ng Fairview, Quezon City.

Base sa imbestigasyon, pinagagasolinahan ni Requera ang kanyang motorsiklo sa Sabarte Road, Barangay Kaligayahan, Fairview, Quezon City nang pagbabarilin ng riding-in-tandem.

Eksakto 12:00 ng hatinggabi naman pinaputukan si Christina Padual ng Bgy. Batasan at isang alyas “Alvin” ng dalawang lalaki habang naglalakad sa St. Vincent sa Bgy. Holy Spirit, Quezon City.

National

Toni Gonzaga, pinuri si Sen. Risa sa paglaban para tingin niyang ikabubuti ng PH

Sinundan ito ng pagkamatay ni Lorna Adalit, 56, ng Saint Peter Street, Bgy. Holly Spirit, Quezon City.

Dakong 4:00 ng madaling araw, pinagbabaril si Adalit ng mga hindi pa nakikilalang suspek habang nakatayo ang una sa tapat ng kanyang bahay. (Jun Fabon)