Nagbibigay ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ng libreng serbisyo sa pagsasalin ng iba’t ibang teksto at dokumento.
Ito ay bilang pagtalima sa Republic Act No. 7104 na nagmamandatong palaganapin ang wikang pambansa sang-ayon sa Article 14 ng 1897 Constitution.
Sa latest Facebook post ng KWF nitong Miyerkules, Hulyo 29, ipinabatid nila sa publiko na bukas ang ahensya para sa pagsasalin ng mga tekstong mula English patungong Filipino.
Kabilang sa mga isinasalin nila ay Information, Education, and Communication (IEC) materials; batas, proklamasyon, o ordinansa; research o sanaysay; kontrata; at memorandum.
Maaari din umanong magpa-validate ng salin sa kanilang tanggapan.
Bukas para sa lahat ang naturang serbisyo.
Ngunit binigyang-diin ng KWF na prayoridad nila ang mga dokumentong may kinalaman sa mga opisyal at publikong katungkulan.
Matatandaang ikinasa na kamakailan sa The Metropolitan Theatre sa Maynila ang press launch ng KWF para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa Agosto.
Nakasentro ang tema ng pagdiriwang ngayong taon sa "Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon."
KAUGNAY NA BALITA: #BalitaExclusives: KWF, inilatag ‘responsableng’ paggamit ng AI para sa Filipino!