Inilunsad na ng Department of Environment and National Resources (DENR) ang unang libro na kabilang sa three-part e-book series na naglalayong ituro ang halaga ng West Philippine Sea para sa mga batang edad 6 hanggang 9.
Sa ginanap na 10th anniversary ng 2016 South China Sea Arbitral Award sa Quezon City noong Martes, Hulyo 28, sinabi ni DENR Assistant Secretary for Strategic Communications Rochelle Elena A. Gamboa na umaasa silang makakatulong ang mga aklat upang pahalagahan ng mga bata ang ganda ng marine ecosystems.
“We hope these books will help our children appreciate the beauty of our marine ecosystems, understand the importance of conserving them, and realize that they too have a role to play in protecting our national heritage,” saad ni Gamboa.
Unang ilunsad sa serye ang “The Wonderful West Philippine Sea with Pawi the Sea Turtle” na nakasentro ang kuwento sa pawikang puno ng kuryusidad habang nilalakbay ang mga bakawan, damuhan sa ilalim ng dagat, bahura, at komunidad sa baybayin.
Samantala, nakatakda namang ilunsad sa Agosto at Setyembre ang dalawa pang libro na bahagi ng serye.
Matatandaang ang makasaysayang arbitral ruling noong Hulyo 12, 2016 ang nagpawalang-bisa sa kontrobersyal na "nine-dash line" claim ng China sa South China Sea at nagkumpirma sa mga karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Maki-Balita: #BALITAnaw: Bakit nanalo ang Pilipinas sa 2016 Arbitral Ruling sa WPS kontra China?