Mga Laro Ngayon

(MOA Arena)

8 n.u. -- FEU vs UST (m)

10 n.u. -- La Salle vs Ateneo (m)

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

2 n.h. -- FEU vs UST (w)

4 n.h. -- La Salle vs UST (w)

NAKATAYA ang solong kapit sa liderato sa pagtutuos nang mahigpit na magkaribal na La Salle at Ateneo sa pagtatapos ng unang round sa women’s division ng UAAP Season 79 volleyball tournament ngayon sa San Juan Arena.

Magkasalo sa ngayon sa pamumuno taglay ang parehong 5-1 karta, maghihiwalay ng landas ang defending champion Lady Archers at Lady Eagles ganap na 4:00 ng hapon. Magkakasubukan ang Far Eastern University at University of Santo Tomas sa 2:00 ng hapon.

Muli, sasandigan ni coach Ramil de Jesus upang pamunuan ang Lady Spikers sina Kim Fajardo, Majoy Baron, Kim Dy at Dawn Macandili.

Inaasahan namang mamumuno para sa tropa ni coach Tai Bundit sina Jia Morado, Maddie Madayag, Jhoanna Maraguinot, Michelle Morente at Kat Tolentino.

Mauuna rito, sisikapin ng Lady Tamaraws (4-2) na makopo ang ikalimang panalo upang manatiling nakaagapay sa mga lider kontra Tigresses na target naman ang ikatlong sunod na panalo kasunod ng unang back-to-back wins ngayong season.

Sa men’s division magtatangka naman ang reigning champion Ateneo na mawalis ang first round kontra La Salle ganap na 10:00 ng umaga pagkatapos ng sagupaan ng Tamaraws at Tigers ganap na 8:00 ng umaga. (Marivic Awitan)