NEW YORK (AP) — Ipinag-utos ni US President Donald Trump ang "immediate investigation" sa pakikipag-ugnayan ni Senate Minority Leader Charles Schumer kay Russian President Vladimir Putin.

Ang ebidensiya ni Trump? Ang litrato nina Schumer at Putin na may hawak-hawak na kape at doughnuts sa isang gas station sa New York City, 14 na taon na ang nakalilipas.

Ibinahagi ni Trump nitong Biyernes ang nasabing litrato, pinaiimbestigahan ang “Schumer's ties to Russia and Putin" at tinawag na “a total hypocrite” ang New York senator.

Hindi sinabi ni Trump kung saan nanggaling at litrato, ngunit idinipensa ni Schumer na ito’y noong 2013 pa nang mamasyal si Putin sa New York upang ipagdiwang ang pagbubukas ng Lukoil gas station na pagmamay-ari ng Russia.
Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline