HINDI patatagalin ng GMA-7 ang bakasyon ni Lovi Poe sa teleserye dahil may bago na siyang show.

“The Seven Seas is an ancient phrase for all the world’s oceanic bodies of water. #SoonToBe #GoddessOfTheSea #GMAPrimetime,” post na announcement ni Lovi sa kanyang bagong teleserye.

Nabanggit na ni Lovi na kasing tindi uli ng Someone To Watch Over Me ang next teleserye niya, kaya asahan na ang isa na namang mahusay na pagganap niya. Ang wish ng kanyang fans, si Maryo J. delos Reyes uli ang maging director niya at si Tom Rodriguez uli ang kanyang leading man sa new show dahil magkagamay na sila at nakita ito sa resulta ng Someone To Watch Over Me.

Samantala, si Lovi ang unang nag-announce sa nomination ng Someone To Watch Over Me sa 2017 New York Festivals World’s Best TV and Films.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“I’m proud to announce that Someone To Watch Ober Me is one of the finalists of the highly prestigious 2017 New York Festivals World’s Best TV and Films. It also happens to be the lone finalist from Asia and the Philippines.

Congratulations to one of the most hardworking teams I’ve ever had the chance to work with!! You guys are amazing.”

Sa April, sa Las Vegas ang awards night at i-wish natin na manalo ang Someone To Watch Over Me na nominated sa Telenovelas category. (Nitz Miralles)