Isang tama ng bala sa ulo ang tumapos sa buhay ng isang babae matapos paputukan ng armado sa Quezon City, iniulat kahapon.

Kinilala ni Police Supt. Igmedio Bernaldez, hepe ng Quezon City Police District (QCPD) 2, ang biktima na si Rosalia Mape, 37, ng No. 156 Sebastian Street, Sitio San Roque, Barangay Bagong Pag-asa, Quezon City.

Sa inisyal na ulat ni PO1 Rance Senorio, bandang 9:30 ng gabi nangyari ang pamamaril habang nakikipag-inuman ang biktima sa kanyang mga kabarkada sa may Acacia St.

Sa kasagsagan ng inuman, bigla na lamang umanong sumulpot ang suspek, inilarawang nakasuot ng t-shirt, maong na pantalon, itim na sombrero, at basta na lamang binaril si Mape.

Eleksyon

49 na senatorial aspirants, naghain ng COC ngayong Oct. 7

Dalawang bala ng caliber .45 baril ang nakuha sa pinangyarihan.

Patuloy ang pagsasagawa ng imbestigasyon. (Jun Fabon)