Patay ang isang motorcycle rider nang mahulog ito mula sa Edsa-Buendia flyover sa Makati City, kahapon ng umaga.
Dali-daling isinugod sa St. Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City ngunit namatay din si Ronel P. Badong, nasa hustong gulang, ng Pier 18, Vitas, Tondo Maynila.
Sa inisyal na ulat na natanggap ng Southern Police District (SPD), dakong 10:45 ng umaga nangyari ang insidente sa Buendia overpass, sa Makati City.
Minamaneho ng biktima ang isang KTM motorcycle, walang plaka, nang bigla umanong mawalan ng kontrol at sumemplang.
Sa lakas ng pagkakasemplang ay tumilapon ang biktima at tuluyang nahulog sa flyover hanggang sa bumulagta sa semento.
(Bella Gamotea)