KAPAG nailatha na ang balita, maaari na itong magkaroon ng sariling buhay. Ang iba ay naisasama lamang sa napakaraming laman ng online, samantalang matagumpay namang nagiging viral ang ibang istroya. Ang humuhusga sa ganitong popularity contest ay ang mga mambabasa, na nadedesisyon kung ibabahagi nila ang kanilang nabasang artikulo o hindi. Ngunit paano nga ba sila nagdedesisyon?
Napag-alaman na ibinabahagi ng mga tao ang artikulo na nakakapagparamdam na sila ay magaling o mabuti at nakakatulong na mapabuti ang kanilang pakikipagkaibigan sa iba, ayon sa bagong pag-aaral na inilathala sa journal na Proceedings of the National Academy of Sciences.
Sa pag-aaral, sinuri ng mga researcher ng University of Pennsylvania ang brain activity ng 80 college student habang nagbabasa ng mga pamagat at abstract ng 80 artikulo sa New York Times, na inilathala sa health section. Ibinahagi ang mga artikulo na ito sa kabuuang 120,000 na beses – sa Facebook, Twitter, at email - ng mga mambabasa, ayon sa datos na nalikom ng Times.
Nadiskubre ng mga researcher ang brain activity pattern na maiuugnay kung gaano kadalas ibinabahagi ang mga artikulo sa totoong buhay.
“We looked at parts of their brain that helped determine how valuable, self-relevant and socially relevant a piece of information is,” saad ni Emily Falk, senior author ng pag-aaral at ang director ng Penn’s Communication Neuroscience Lab.
Iminumungkahi ng resulta na interesado ang mga tao sa pagbabasa o pagbabahagi ng mga sulatin mula sa Internet kapag nakakakonekta ito sa kanilang karanasan, ani Falk. “They share things that might improve their relationships, make them look smart or empathic or cast them in a positive light.”
Makatutulong sa mga researcher ang resulta para mas maintidihan ang psychology of sharing. Inihayag din ni Falk na ang pag-unawa kung paano kumakalat ang ideya ay nakatutulong para mapataas ang shareability ng impormasyon na nagpo-promote sa well-being at nakakapagpababa sa pagbabahagi na mga artikulo na may maling impormasyon.
“My lab mostly focuses on health behavior change,” saad ni Falk. “It’s fine if you can have a health message that gets one person to change their behavior, but it’s even better if you get them to go and tell their friends.”
Sinuri ng mga nagdaang pag-aaral ang psychology of sharing sa pamamagitan ng pagtatanong sa mga tao tungkol sa kanilang mga reason sa pagbabahagi ng isang artikulo. Ngunit ang ganitong mga survey ay may ilang limitasyon.
Halimbawa, maaaring hindi batid ng mga tao ang kanilang mental processes sa kasalukuyan. O, maaaring nahihiya silang aminin ang rason kung bakit niya ibinahagi ang artikulo dahil akala nila pagmumukhain silang matalino nito.
“That’s where the neuroscience comes in,” saad ng awtor sa pag-aaral Christin Scholz, isang communication researcher sa unibersidad. “It helps us to measure the thought processes in real time as they are happening, without having to ask people to introspect and report what they have been thinking. While we can’t read people’s mind, brain imaging can give us some insights that are complimentary to other measures, like surveys.” (Live Science)