Mga Laro Ngayon

(Filoil Flying V Centre)

8 n.u. -- FEU vs UP (M)

10 n.u. -- UST vs NU (M)

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

2 n.h. -- FEU vs UP (W)

4 n.h. -- UST vs NU (W)

TARGET ng University of the Philippines na makaagapay sa three-way tie sa liderato sa pakikipagharap sa Far Eastern University, habang magkakasubukan ang National University at University of Santo Tomas sa women’s division ng UAAP Season 79 volleyball tournament ngayon sa Filoil Flying V Centre.

Umaasa ang Lady Maroons na makabalik sa winning track sa pakikisagupa sa Lady Tamaraws ganap na 2:00 ng hapon, habang asam ng Lady Bulldogs na tuldukan ang two-game slide kontra Tigresses sa 4:00 ng hapon.

Nasa ikatlong puwesto ng team standing ang UP sa likod ng defending champion De La Salle at Ateneo, na magkasosyo sa liderato tangan ang 5-1 karta.

Natikman ng Lady Maroons ang unang kabiguan matapos ang 4-0 simula sa kuko ng Lady Eagles, 14-25, 19-25, 21-25, nitong Linggo.”Hopefully itong winning streak magsimula ng magandang kumpiyansa. Lagi kong sinasabi sa mga players namin na itong last three games, kunin natin. Huwag tayong umasa sa second round, itong first round, dito tayo kumuha. Kung magkakaroon ng adjustment, I think hindi na masyadong mahirap para sa amin,” sambit ni coach Shaq Delos Santos.

Sa men’s men’s division, magkakasubukan ang NU (4-1) at UST (3-2), sa alas-10 ng umaga, gayundin ang FEU (3-2) at UP (3-2) sa 8 ng umaga.