TRIPOLI (Reuters ) – Sinabi noong Lunes ng isang Filipino nurse na binihag ng Islamic State (IS) sa lungsod ng Sirte sa Libya na pinilit siya at ang kanyang mga kasamahan na gamutin at bigyan ng medical training ang mga militante.

Kabilang ang nurse sa grupo ng pitong babae, isang lalaki, at isang 10-buwang bata na pinauwi sa Pilipinas mula Libya. Pinalaya sila mula sa Sirte nang maitaboy ng mga lokal na puwersa ang Islamic State sa lungsod noong Disyembre.

Kinontrol ng Islamic State ang Sirte noong unang bahagi ng 2015, at binihag ang maraming banyaga. Kabilang ang mga Pinoy medical staff sa mga banyagang manggagawa na nasa lungsod nang mapasailalim ito sa pamumuno ng IS.

“When they found out we were Muslim they released us but under a strict condition that we will have to work as nurses in their hospital and we had to train ISIS (Islamic State) on emergency care and nursing course,” sabi ng nurse sa mamamahayag sa Tripoli, ang kabisera ng Libya.

Politics

Sen. Imee, ikinokonsidera daw maging Senate President?

“It was a horrible time. Each day we lived in fear. We didn’t know what was going to happen next. And they threatened to kill us if we left Sirte.”

Nagtatrabaho ang mga Pinoy sa pangunahing ospital ng Sirte, na ginamit ng IS para malapatan ng lunas ang mga sugatang mandirigma nito.