Humihingi ng tulong kay Pangulong Duterte ang pamilya ng overseas Filipino worker (OFW) na si Jennifer Dalquez matapos ipagpaliban ng United Arab Emirates (UAE) court ang pagbasa ng sakdal dito kaugnay ng pagpatay sa kanyang employer.
Nananawagan si Alicia, ina ni Jennifer, kay Pangulong Duterte na sagipin ang buhay ng kanyang anak.
Ayon sa ginang, noong Disyembre 17, 2014 napatay ng kanyang anak ang Arabo nitong amo dahil sa tangkang panggagahasa.
Umapela na rin, aniya, sila sa mataas na hukuman sa UAE subalit wala pang inilalabas na desisyon.
Kahapon itinakda ng UAE court ang pagbasa ng sentensiya laban kay Jennifer subalit ipinagpaliban ito sa Marso 27, 2017.
Disyembre 2012 dumating sa UAE si Jennifer para magtrabaho bilang domestic helper. (Bella Gamotea)