Sa gitna ng pangangailangang maihatid at masundo sa eskuwelahan ang mga estudyante sa araw-araw, tinitiyak ng mga magulang na may school service para sa kanilang mga anak.

Sa kasalukuyan, naging pangkaraniwan nang mga motorsiklo, van at tricycle ang naghahatid-sundo sa mga estudyante, ngunit kadalasang hindi natututukan ng mga sasakyang gaya nito ang kaligtasan ng mga pasahero.

Hindi bibihirang makatiyempo ng tricycle — na hanggang apat lang ang maaaring isakay — na may nagsisiksikang walong bata, o higit pa, sa kada biyahe patungo o pagkagaling sa eskuwelahan. Malinaw na nababalewala ang kaligtasan ng mga estudyante dahil dapat na paharap ang posisyon ng upuan ng mga school service, bukod pa sa kailangang may individual seat belt ang pasahero.

Dahil dito, naghigpit ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) laban sa overloading, colorum, at hindi awtorisadong school transport operator, na nagreresulta sa pagharap ng mga ito sa penalties, violation tickets, bukod pa sa iniinspeksiyon ang sasakyan upang matiyak na ligtas ito para bumiyahe.

National

PPBM admin, tanggap pagpasok ng 'tunay na oposisyon' sa Senado; 'pekeng oposisyon,' lalabanan!

Nagpaalala rin ang LTFRB sa mga operator ng mga school service vehicle laban sa paggamit ng mga sasakyang mahigit 15 taon na. Alinsunod sa Memorandum Circular 2013-006 ng ahensiya, itinatakda ang 15 taon na age limit sa mga school transport service — at istrikto nang ipatutupad ang nasabing memorandum ngayong taon.

Sa mataas na demand sa mga sasakyang ginagamit na school service, ano nga ba ang pinakamainam at pinakaligtas para sa mga estudyante?

Kaugnay nito, gumagawa at bumubuo ang Centro Manufacturing Corporation ng mga microbus at shuttle bus, gaya ng 20-seater na Mitsubishi L300 School Service van, na nakatutupad sa school transport regulations ng LTFRB: paharap ang puwesto ng mga upuan na may kani-kaniyang seat belt, may window grill, may fire extinguisher, air-conditioned, at kumpleto sa LTFRB-mandated markings.