Magkakasabay pinosasan ang tatlong lalaki matapos makuhanan ng ilegal na droga sa Tondo, Maynila, nitong Biyernes ng gabi.

Kinilala ng mga imbestigador ang naarestong suspek na sina Domingo Natural, 44; Elmer Dingal, 40; at Elmer Aulestia, 38.

Isinagawa ang operasyon makaraang makatanggap ng tip ang mga pulis mula sa isang concerned citizen kaugnay ng laganap na ilegal na aktibidad sa Barangay 123.

Mabilis na rumesponde ang mga tauhan ng Manila Police District (MPD) station 1 upang kumpirmahin ang natanggap na impormasyon at namataan ang tatlong lalaki na kahina-hinala ang kilos sa kahabaan ng C.P. Garcia street, dakong 10:00 ng gabi.

Senior officer ng PH Air Force inireklamo ng panggagahasa ng 2 junior officers

Nilapitan sila ng mga pulis at nang kapkapan, anim na pakete ng hinihinalang shabu ang narekober sa kanila.

Kasalukuyang nakakulong sina Natural, Dingal at Aulestia sa Raxabago-Tondo police station at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Analou De Vera)