Magkakasunod na nilamon ng apoy ang pitong bahay at tatlong junkshop na ikinasawi ng isang katao at ikinasugat ng dalawa pa sa sunog sa Barangay Payatas, Quezon City, kahapon ng umaga.

Sa report ni Quezon City Fire Marshall Manuel M. Manuel, ang nasawing biktima ay 8-anyos, ng Payatas – B, Quezon City.

Hindi nagawang makalabas ng biktima mula sa lumalagablab niyang kuwarto dahil sa pagkakahimbing.

Habang nalapnos naman ang katawan nina Ceasar Aguilar at Rochele del Monte, kapwa residente sa naturang lugar.

Eleksyon

Mayoral bet, pumalag sa isyu ng driver niyang dinakip dahil sa 'food packs'

Sa natanggap na ulat ni Sr. Supt. Manuel, bandang 10:20 ng umaga sumiklab ang apoy sa junkshop na pag-aari ni Alex Tantuan, Sr. na mabilis na kumalat sa pitong bahay at dalawa pang katabing junkshop.

Tumagal ng isang oras ang sunog, umabot sa ikatlong alarma, bago tuluyang naapula ng Bureau of Fire Protection.

Patuloy na inaalam ang sanhi ng sunog na tumupok sa P50,000 halaga ng ari-arian. (JUN FABON)