Abala sa paglalaro ang mga bata nang madiskubre ang bangkay ng isang matandang babae sa ilalim ng tulay sa San Miguel, Maynila kamakalawa.

Kinilala ni SPO1 Bernardo Cayabyab, imbestigador ng Manila Police District (MPD)- Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), ang biktima sa alyas na “Melba”, tinatayang nasa edad 55-60, 5’5” ang taas at isang basurera.

Base sa imbestigasyon, dakong 12:00 ng tanghali, naglalaro ang ilang bata sa ilalim ng Ayala Bridge nang mapansin nilang hindi na humihinga ang biktima kaya ipinagbigay-alam nila ito sa barangay.

Ayon sa pulisya, posibleng inatake ang biktima dahil walang nakitang sugat sa katawan ng bangkay o anumang palatandaan na sinadya ang pagkamatay. (Mary Ann Santiago)

Anak ni Sen. Jinggoy Estrada, ginulpi sa Boracay