Tumaas sa halos 11.2 milyong Pilipino ang walang trabaho sa nakalipas na quarter ng 2016, ang pinakamataas sa loob ng dalawang taon, ayon sa Social Weather Stations (SWS).

Ang SWS fourth-quarter survey, isinagawa mula Disyembre 3-6, 2016 at inilabas ng Business World kahapon, ay nagpapakitang 25.1 (%) porsiyento ng mga Pinoy na nasa edad 18 pataas, o tinatayang nasa 11.2 milyong adult (nasa hustong gulang), ang walang trabaho.

Nabunyag sa resulta ng survey nitong Disyembre na tumaas ang joblessness rate ng 6.7 puntos mula sa 18.4%, o halos 8.2 milyong adult, na naitala sa nakalipas na quarter noong Setyembre. Ang bilang noong Setyembre ang pinakamababang naitala sa joblessness survey ng SWS sa nakalipas na siyam na taon.

Ipinakita rin ng SWS findings na pinakamataas ang joblessness sa huling buwan ng 2016 simula noong Disyembre 2014 na nasa 27%.

National

Larry Gadon, magsusumite na ng resignation; 'di raw alam announcement ni Usec. Castro

Itinuturing mang pinakamataas sa nakalipas na dalawang taon ang joblessness rate sa fourth quarter ng 2016, nasa pinakamataas din naman ang umaasang makakahanap sila ng trabaho sa susunod na 12 buwan.

Lumutang sa huling SWS poll na 48% ng mga Pinoy ang umaasang may mas maraming trabaho ngayong 2017.

(Vanne Elaine P. Terrazola)