‘Not guilty, your honor’. Ito ang isinumpa ni dating Local Water Utilities Administration (LWUA) Chairman at ngayo’y Surigao del Sur Rep. Prospero Pichay, Jr. sa arraignment proceedings sa kasong graft sa Sandiganbayan Fifth Division kaugnay sa umano’y ilegal na paggamit ng P1.5 milyong pondo ng ahensiya noong 2010.

Nag-ugat ang kaso nang aprubahan ni Pichay at ng tatlong pang opisyal ng LWUA ang pagpapalabas ng pondo sa National Chess Federation of the Philippines (NCFP) bilang sponsorship grant para sa 2nd Chairman Prospero Pichay Jr. Cup International Chess Championship.

Kasamang kinasuhan sina dating LWUA administrator Daniel Landingin, dating deputy acting administrator Wilfredo Feleo, at dating senior deputy administrator Emmanuel Malicdem. (Rommel P.Tabbad)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter