Nakipagkita si Pangulong Duterte sa ilang senador sa Malacañang nitong Martes ng gabi, ngunit nilinaw na hindi totoong para i-pressure ang mga ito na harangin ang imbestigasyon sa pagkakadawit sa Presidente sa pagpatay ng Davao Death Squad (DDS).

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na hindi pinag-usapan sa pulong ang tungkol sa testimonya ng retiradong pulis-Davao na si SPO3 Arthur Lascañas.

“There is no truth to the allegation of Senator (Leila) de Lima that the senators were pressured by Malacañang with regards to the reopening of the investigation of the DDS,” sabi ni Abella.

“As Senator (Vicente) Sotto (III) said, the group of senators met the President but they did not talk about the case of retired police officer Lascañas,” dagdag niya.

Eleksyon

TINGNAN: Listahan ng mga kandidato sa pagka-senador at party-list

Nang tanungin tungkol sa posisyon ng Palasyo sa desisyon ng Senado na imbestigahan ang mga ibinunyag n Lascañas, sinabi ni Abella: “It can proceed.”

Matatandaang sa isang press conference nitong Lunes ay binawi ni Lascañas ang una niyang sinabi na walang DDS; binigyang-diin niya na may DDS at nagbayad si Pangulong Duterte—noon ay mayor pa lamang ng Davao City—sa bawat ipinapapatay umano nito sa grupo. (Genalyn D. Kabiling)