Nalagutan ng hininga ang isang lalaki na umano’y financier sa mga casino at sabungan makaraang tambangan at pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek sa Valenzuela City, kamakalawa ng tanghali.

Sa isinumiteng report ni SPO4 Boy Delima, deputy chief ng Station Investigation Unit, kay Police Chief Inspector Rhoderick Juan, head ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB), dead on the spot si Guiller Fernando Brinas, 46, ng No. 37 Abangan Sur, Marilao, Bulacan.

Si Brinas ay nagtamo ng tama ng bala ng cal. 9mm sa kaliwang braso at ulo na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

Ayon kay Juan, bandang 11:52 ng tanghali, sakay si Brinas sa kanyang Mitsubishi Adventure (XMN-462) galing sa Polo, Valenzuela City at patungong Marilao, Bulacan.

National

Sen. Imee sa sinabi ni Tiangco: 'Panahon na para ibasura ang impeachment ni VP Sara'

Pagliko ng biktima sa M. H. Del Pilar, Barangay Malanday, Valenzuela City, hinarang umano ito ng dalawang armadong lalaki at pinagbabaril.

Narekober sa pinangyarihan ang wallet ng biktima na may lamang P65,560 at dalawang basyo ng bala ng cal. 9mm pistol.

Sa follow up investigation ni Delima, si Brinas ay financier sa mga casino at sabungan sa Bulacan at Valenzuela City.

(Orly L. Barcala)