Kapwa sugatan ang pulis at ang inaaresto nitong wanted makaraang magduwelo sa Quezon City, iniulat kahapon.

Kinilala ang mga sugatan na sina PO2 Enrile Liariza, na nagtamo mga galos at sugat sa katawan; at Christopher Lauretta, na may tama ng bala sa tiyan.

Sa report kay Police chief Insp. Briones ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng Philippine National Police (PNP), dakong 10:00 ng gabi kamakalawa nang magduwelo sina Liariza at Lauretta sa Barangay Pasong Putik, Quezon City.

Nabatid na inaaresto ni PO2 Liariza si Laureta subalit ito’y pumalag hanggang sa sila’y magduwelo at kapwa mahulog sa creek at aksidenteng nabaril sa tiyan si Lauretta.

Eleksyon

1.2 million hacking attempts, naitala ng Comelec sa kanilang precinct finder

Agad namang isinugod sa ospital sina Liariza at si Lauretta at nasa maayos nang kondisyon.

Ayon sa CIDG, kabilang si Lauretta sa listahan ng mga wanted sa kasong robbery w/ homicide at miyembro rin ng Solem Robbery Holdup (SRH) gang na pakalat-kalat sa Metro Manila. (JUN FABON)