WASHINGTON (AP) – Milyun-milyong tao na ilegal na naninirahan sa United States ang made-deport sa ilalim ng bago at pinalawak na polisiya sa immigration, na inihayag nitong Martes ng administrasyon ni President Donald Trump Trump.

Ang sinumang immigrant na ilegal na naninirahan sa bansa at kinasuhan o nahatulan sa anumang pagkakasala, ang ngayon ay uunahing ipapa-deport, ayon sa mga memo ng Homeland Security Department na nilagdaan ni Secretary John Kelly.

Pinalitan ng mga memo ang mas mahigpit na tagubilin na nakatuon sa mga immigrant na nahatulan sa krimen, at itinuturing na banta sa pambansang seguridad o ilegal na tumawid sa border.

Ang overstaying sa visa ay civil at hindi criminal offense, ngunit mahaharap pa rin sila sa deportasyon.

National

Sen. Bato, isiniwalat na nakiusap siyang dagdagan budget ng OVP: ‘Ayaw tayong pagbigyan!’

Hindi apektado ng mga direktiba ang programa ni dating US President Barack Obama na protektahan ang mahigit 750,000 batang immigrant mula sa deportasyon. Mananatili ang Deferred Action for Childhood Arrivals para sa mga tinatawag na “dreamers” o mga batang ilegal na ipinasok sa United States ng kanilang mga magulang.