Makalipas ang halos tatlong taon, tuluyan nang naaresto ang isang driver na makailang beses gumahasa sa 12-anyos na babae sa San Mateo, Rizal kamakalawa.
Kinilala ang suspek na si Roberto Bule Jr., 41, ng No. 19-D Umali Street, Barangay Mariblo, Quezon City, na hawak na ngayon ng San Mateo Municipal Police Station matapos i-turn over ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), dakong 1:31 ng hapon kamakalawa.
Dakong 8:00 ng umaga nitong Pebrero 16, inaresto si Bule ng mga tauhan ng QCPD-CIDU Warrant and Subpoena Section, sa pangunguna ni SPO3 Arnoldfo D. Aguillon, sa bisa ng warrant of arrest.
Sa record ng hukuman, sinampahan ng kasong qualified rape si Bule matapos niyang pagsamantalahan ang anak ng kanyang kinakasama, mula Abril hanggang Mayo 2014, at Oktubre 2015, sa San Mateo. (Mary Ann Santiago)