Laro sa Biyernes

(Filoil Flying V Centre)

2 n.h. -- FEU vs NU (Jrs. Finals)

NAISALBA ng Far Eastern University-Diliman ang matikas na opensa ng defending champion National University sa final period para maitakas ang 66-65 panalo sa Game One ng kanilang best-of-three finals ng UAAP Season 79 juniors basketball tournament sa Filoil Flying V Centre.

PBA, hinihingi panig ni Amores; makabalik pa kaya sa liga?

Sumablay ang dalawang free throw ni Kenji Roman sa huling 24 segundo, ngunit, kinasiyahan ng tadhana nang umalog lamang sa rim ang three-pointer ni Bullpups guard John Lloyd Clemente sa buzzer.

“Bago kami sa championship series so medyo nanibago ang mga bata. Natutuwa pa at nasa Finals. Mabuti at naka-recover kaagad kami,” sambit ni FEU-Diliman coach Albano.

Nakatakda ang Game Two sa Biyernes sa San Juan venue kung saan targer ng Baby Tamaraws na tapusin ang serye at bawiin ang korona na huli nilang nakamit noong 2012.

Nanguna si Roman sa natipang 12 puntos at walong rebound, habang kumana si Xyrus Torres ng 10 puntos at limang rebound para sa FEU.

Nabalewala ang hataw ni Clemente na kumubra ng 25 puntos, anim na rebound at apat na assist.

Iskor:

FEU (66) - Roman 12, Torres 10, Sapinit 9, Celzo 8, Abarrientos 8, Gonzales 7, Gabane 5, Jabel 2, Baclay 2, Bieren 2, Gloria 1, Mariano 0.

NU (65) - Clemente 25, Coyoca 11, Amsali 10, Peñano 9, Sarip 5, Manalang 3, Malonzo 2, Atienza 0, Calleja 0, Fortea 0, Peralta 0, Tolentino 0.

Quarterscores:

24-20, 43-34, 57-52, 66-65 (Marivic Awitan)