Mga Laro Ngayon

(San Juan Arena)

8 n.u. -- Ateneo vs UE (Men)

10 n.u. -- DLSU vs AdU (Men)

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

2 n.h. -- Ateneo vs UE (Women)

4 n.h. -- DLSU vs AdU (Women)

TARGET ng defending champion De La Salle at Ateneo na mapanatili ang katatagan sa pakikipagtuos sa kapwa bokyang karibal sa pagpapatuloy ng aksiyon sa women’s division ng UAAP Season 79 volleyball tournament sa San Juan Arena.

Haharapin ng Lady Spikers sa tampok na laban ganap na 4:00 ng hapon ang Adamson University (0-4) kasunod ng unang laro sa pagitan ng Lady Eagles at ng University of the East (0-4) ganap na 2:00 ng hapon.

Kasalukuyang magkasalo sa ikalawang puwesto ang La Salle at Ateneo kasama ng dating namumunong National University na may barahang 3-1, sa likod ng nangungunang University of the Philippines (4-0).

Galing ang Lady Spikers sa pagwalis sa Lady Bulldogs, 29-27, 25-16, 25-21,noong nakaraang Linggo matapos malasap ang unang kabiguan sa kamay ng UP.

Tatangkain naman ng Lady Eagles ang ikatlong sunod na panalo kontra Lady Warriors.

“Ang sabi namin, isa-isa lang muna. UE muna ang aming pinaghahandaan,”ayon kay Ateneo assistant coach Sherwin Meneses na pansamantalang humalili sa headcoach na si Tai Bundit.

Mauuna rito, magtutuos naman ang kani-kanilang men’s squads sa nakatakdang dalawang laro sa men’s division, ang salpukang De La Salle (1-3) at Adamson University (0-4),ganap na 10:00 ng umaga at ang tapatang Ateneo (4-0) at UE (0-4)ganap na 8:00 ng umaga. (Marivic Awitan)