Isinilid muna sa isang dilaw na plastic bag bago tuluyang iniwan sa basurahan ang isang fetus sa Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng madaling araw.
Sa salaysay sa Manila Police District (MPD)-Station 3 ni Ernesto Martin, 50, basurero, ng 1263 Villaruel Street, Tondo, Maynila, dakong 12:06 ng madaling araw ay naghahanap siya ng mga mapapakinabangang basura nang mapansin ang isang dilaw na plastic bag.
Inakala umano niyang maaari pang mapakinabangan ang laman ng plastic bag kaya binusisi niya ito at tuluyang bumulaga ang bangkay.
Kaagad itong ipinagbigay-alam ni Martin sa mga nagpapatrulyang pulis upang maimbestigahan. (Mary Ann Santiago)