HONG KONG (AP) – Hinatulan ng 20 buwang pagkakakulong ang dating lider ng Hong Kong sa kasong misconduct matapos mabigong ihayag ang planong rentahan angmamahaling apartment ng isang negosyante na kumukuha ng broadcasting license.

Si Donald Tsang, 72, ay nagsilbing chief executive ng Hong Kong mula 2005 hangang 2012.

Sinabi ng hukom na binawasan niya ng 10 buwan ang naunang sentensiyang 30 buwan dahil sa mabuting karakter at naiambag ni Tsang sa Hong Kong. Ang maximum penalty para sa misconduct ay pitong taon.

“It is not in dispute that the defendant has dedicated himself to public service for the past 40 years,’’ sabi ni Justice Andrew Chan nang ibaba ang sentensiya ng High Court kay Tsang

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na