BUKAS na ang pagpapatala para sa paglahok sa 2017 Manila Bay Seasports Festival na nakatakda sa Marso 18-19 sa Manila Baywalk sa Roxas Boulevard.

Itinataguyod ng Manila Broadcasting Company, sa pakikipagtulungan ng pamahalaang panglungsod ng Maynila at Philippine Coast Guard, tatanggap na nang lahok simula ngayon sa tanggapan ng MBC sa V. Sotto St., CCP Complex sa Pasay City.

Tampok ang pinaghalong koponan ng mga lalake’t babae sa Dragon Boat Race, at mga batikang bangkero mula sa iba’t ibang lalawigan.

Tumataginting na P500,000 ang nakalaang pa-premyo sa mga karera kung saan matutunghayan ng mga manonood ang kakaibang bilis at lakas ng mga tinaguriang atletang dagat.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Kabuuang tig-32 kalahok lamang ang tatanggapin sa stock at formula race ng tinaguriang ‘bancathon’.

Ang mag interesadong lumahok ay iniimbitahan na makipag-ugnayan kay Lida Aquino sa Mobile No. 0915-242-7426. Ipinapa-alala ng organizer na ‘first-come-first-served’ ang pagpaparehistro ng lahok.