Napipintong muling magpatupad ng oil price hike ang mga kumpanya ng langis sa bansa ngayong linggo.
Sa taya ng industriya ng langis, posibleng tumaas ng 15-20 sentimos ang kada litro ng gasolina, habang 10 sentimos naman ang maaaring idagdag sa diesel at kerosene.
Ang nakaambang na dagdag-presyo sa petrolyo ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.
Pebrero 14 huling nagtaas ng presyo ang mga kumpanya ng langis, sa pangunguna ng Flying V at Shell, nang nagdagdag ng 20 sentimos sa diesel at 10 sentimos sa kerosene. (Bella Gamotea)