INIURONG sa Mayo ang planong idaos ang 2017 SEABA Championship sa Abril.

Ang torneo ay gaganapin sa bansa at idaraos sa Araneta Coliseum sa Mayo 12-18.

Mismong si Gilas Pilipinas patron Manny V. Pangilinan ang nagpahayag ng balita sa kanyang Twitter account nitong Sabado..

“It’s final. #LabanPilipinas and Gilas time again! SEABA in Manila, May 12-18 at Araneta. Led by Smart, TV5, and Meralco. #PUSO,” ayon sa post ni Pangilinan Ang SEABA ay nagsisilbing qualifying tournament para sa 2017 Fiba Asia Cup.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Kaugnay nito, inaantabayanan na rin ang magiging anunsiyo kung sinu-sino sa mga miyembro ng 24- man Gilas pool ang kakatawan sa bansa sa torneo. (Marivic Awitan)