Patay ang isang motorcycle rider makaraang magulungan ng truck sa Parañaque City nitong Sabado ng gabi.

Dead on the spot si Mavie Alvarez, nasa hustong gulang, laborer ng DMCI Construction at taga-Barangay Merville, Parañaque, dahil sa matinding pagkalasog ng katawan.

Sa inisyal na ulat ng Parañaque City Traffic Department, bago maghatinggabi at minamaneho ni Alvarez ang kanyang motorsiklo sa northbound ng West Service Road sa Sucat nang bigla itong masagi ng L300 van na hindi naplakahan, at natumba ang biktima.

Sa pahayag sa awtoridad ni Ruel Mencede, driver ng 10-wheeler truck (RFY-636), papunta siyang Batangas para mag-deliver ng fertilizer nang biglang pumailalim sa truck si Alvarez, na nakaladkad ng may sampung metro.

National

Paalala ng PWS para sa flu season: 'Do not kiss babies that aren't yours!'

Kaagad namang sumuko si Mencede, na kakasuhan ng reckless imprudence resulting to homicide. (Bella Gamotea)