MALAKAS pa rin ang daddy ni Angel Locsin na si Mr. Angel Colmenares na nagdiwang ng 90th birthday nitong nakaraang Sabado. Ipinaghanda siya ng mga anak at apo ng bonggang party na ginanap sa The Blue Leaf Cosmopolitan, Libis, Quezon City.

As expected. kumpleto ang buong pamilya at mga kaibigan ng pamilya Colmenares para batiin ang ama ni Angel.

Bilib kami sa mga anak ni Daddy Angel dahil alagang-alaga siya lalo na sa pagkain, bantay-sarado kasi ang diet ng father ng aktres lalo’t hindi naman niya nakikita dahil isa siyang bulag.

Pero kahit walang paningin ay punumpuno pa rin ito ng pangarap para sa mga anak at lalo na kay Angel. Ramdam din nito kung may pinagdadaanang problema ang aktres dahil kapag nag-uusap sila ay halata sa tono nito.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Sabi nga ni Angel sa post niya, “To the best dad in the world: thank you for being there for me, and for urging me to be better and fight harder. I wouldn’t be who I am without your kind words and wise guidance. Happy 90th Birthday, Daddy!”

Samantala, bisi-bisihan ngayon ang aktres sa isang project na ayaw naman niyang banggitin kung ano. (Reggee Bonoan)