Dalawang lalaki ang nasugatan habang tumutulong sa pag-apula sa isang nasusunog na bahay sa Barangay Mabini-J.P. Rizal sa Mandaluyong City, kahapon ng umaga.

Nagtamo ng mga paso sa likod at balikat sina Roselito Ilocana at Francis Robin habang tinatangkang apulahin ang apoy na tumutupok sa isang bahay sa bahagi ng Mabini-J.P. Rizal sa Mandaluyong.

Batay sa ulat ng Mandaluyong Fire Department, pasado 6:00 ng umaga nang magsimulang sumiklab ang sunog sa tatlong-palapag na bahay ni Rolando Pangilinan sa Abellas Compound sa naturang barangay.

Tumutulong ang mga biktima sa pag-apula sa apoy nang aksidenteng mapaso ang mga ito.

Eleksyon

Rep. Manuel, nagpasalamat sa mga tumulong para 'sumakses' ang Kabataan Partylist

Umabot lang sa unang alarma ang sunog na tumagal ng 27 minuto.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang halaga ng mga ari-arian na tinupok ng sunog, na hinihinalang sanhi ng faulty electrical wiring. (Mary Ann Santiago)