Tuluyang nasawi ang isang lalaki matapos himatayin habang naglalakad sa Sta. Cruz, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Roger Umipig, tinatayang nasa edad 45-50, nakasuot ng maroon na t-shirt at pantalon.

Sa ulat ni SPO2 Richard Escarlan, ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), dakong 5:00 ng hapon ay naglalakad ang biktima nang bigla itong himatayin sa Vision Street sa Sta. Cruz.

Ayon kay Jennifer Tolentino, 28, isang golf caddy, tinawag siya ng kanyang 6 na taong gulang na anak nang makita nito si Umipig na nag-collapse sa kalsada at nawalan ng malay.

National

Akbayan Party-list, nagpahayag ng suporta sa impeachment laban kay VP Sara

Kaagad umano nilang tinulungan ang biktima at isinugod ito sa ospital ngunit hindi na ito umabot nang buhay.

Inaalam na ng mga awtoridad ang dahilan ng pagkamatay ni Umipig. (Mary Ann Santiago)