Nilasing muna ang isang 12-anyos na babae bago tuluyang ginahasa ng 35-anyos niyang kapitbahay sa Port Area, Maynila, iniulat kahapon.

Arestado at naghihimas na ngayon ng rehas si Tong Inog, ng Block 9 Extension, Tambakan, Baseco, sa Port Area, at isinailalim na rin inquest proceedings ng Manila Police District-Women and Children Protection Section dahil sa paglabag sa Republic Act 8353 o Anti-Rape Law.

Una rito, Pebrero 15, nagtungo umano si “Lyn”, hipag ng suspek, sa bahay ng biktima at nangutang ng pambili ng bigas at alak.

Maya-maya’y umalis na umano si Lyn at pagbalik ay may dala na itong alak at niyaya ang biktima na mag-inuman sa bahay ni Inog.

Politics

86.9% sa solons na kumandidato at pirmado sa impeachment ni VP Sara, reelected sa Kamara!

Apat na baso ng alak ang nainom ng biktima at unti-unting nakaramdam ng hilo at antok. Dito na umano sinamantala ni Inog ang biktima.

Nag-alala naman ang mga magulang ng biktima dahil 6:00 na ng gabi ay hindi pa ito umuuwi, at nang kanilang hanapin ay may nakapagsabi na kasama nito si Lyn.

Nang puntahan ay nakita nila ang biktima sa bahay ng suspek na walang suot na damit at natutulog.

Kaagad namang ipinaaresto ng mag-asawa ang suspek na dumepensang magkarelasyon sila ng biktima. (Mary Ann Santiago)