HOW true na ang isa sa mga dahilan ng hiwalayan nina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga ay ang kawalan ng oras ng huli?

Tsika ng aming source, madalas daw kasi sa gimikan si Daniel kasama ang non-showbiz friends at madalas nila itong pagtalunan ni Erich.

Lagi naman daw nangangako ang Japanese-Brazilian actor na babawasan na ang paglabas-labas kasama ang mga kaibigan, pero nahuhuli pa rin daw siya ng dalaga kaya nagkaroon na ng mainitang pagtatalo ang dalawa.

Hindi diretsong sinabi ng aming source na laging si Daniel ang taya sa mga gimik nila ng mga kaibigan, pero sinisita siya ni Erich na maging masinop. Kung seryoso nga naman sila para sa kanilang future, dapat silang mag-ipon.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Pero ikinairita naman ito ni Dandan, kaya hayun, tuluyan na silang naghiwalay.

Oo nga naman, bakit gimik nang gimik si Daniel? Ibig sabihin, bored na siyang kasama si Erich?

Bukas ang pahinang ito para sa dating magkasintahan. (Reggee Bonoan)