Nagkabutas-butas ang katawan ng isang lalaki na sinasabing matinik na holdaper matapos pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang salarin na umano’y miyembro ng vigilante group, nitong Huwebes ng gabi sa Malabon City.

Dead on the spot si Julianito Noquiao, 31, ng Paradise Village, Phase 11, Barangay Tonsuya ng nasabing lungsod, sanhi ng mga tama ng cal. 45 sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa imbestigasyon ni PO3 Juluis Mabasa, bandang 11:50 ng gabi nangyari ang pamamaril sa kahabaan ng P. Aquino Avenue, Aglipay Building, Bgy. Tonsuya, Malabon City.

Naglalakad umano ang biktima nang sundan ng mga suspek at pinagbabaril nang malapitan.

MRT-3 GM Bongon, sinibak sa puwesto dahil sa nagkaaberyang escalator

Narekober ng mga pulis ang walong basyo ng cal. 45, isang patalim mula sa bewang ni Noquiao at isang replica ng cal. 45 na posible umanong ginagamit nito sa panghoholdap. (Orly L. Barcala)